^

Probinsiya

2 todas sa plane crash

- Nina Dino Balabo, Butch Quejada, Ellen Fernando at Joy Cantos -

BULACAN — Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang flight instructor at estudyante nito makaraang bumagsak ang sinasakyan nilang 2-seater plane sa bisinidad ng Barangay Agnaya sa bayan ng Pla­ridel, Bulacan kahapon ng umaga.

Hindi na nailigtas pa ng mga residente ang mga bik­timang sina Capt. Mike Bernardo at Kousheid Mo­han, 19, Indian student pilot matapos na bumagsak at magliyab ang sinasak­yang Cessna CC150  na may registry # RPC-1129 at pagmamay-ari ni Arnold Amano Sr. ng Flightline Aviation Corporation na nakabase sa Barangay Lumangbayan, Plaridel.

Sa sketcy report na nakarating sa Air Transportation Office (ATO), naitala ang insidente dakong alas-10:27 ng umaga matapos lumipad ang nasabing ero­plano mula sa Plaridel Airport para sa training flight.

Kinumpirma ng ATO na  dalawa lamang ang sakay ng nasabing private plane base sa hawak nilang flight plan at point of origin.

Nabatid na nagulat na lamang ang mga residente nang makitang bumulusok ang nasabing eroplano at bumagsak.

Sa ulat na isinumite kay P/Senior Inspector Victor Bernabe, tinangka ng mga residente na apulahin ang malaking apoy upang ilig­tas ang mga biktimang nasa loob pa ng eroplano subalit tuluyang nilamon na ng apoy ang dalawa.

Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng pulisya sa nabanggit na barangay  upang kordonan ang crash site.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang ATO  sa pagbagsak ng naturang private plane.

Matatandaan na noong Hulyo, 2007, dalawang ero­plano rin ng Cessna ang bumagsak sa bahagi ng Barangay Ligas, Malolos City, Bulacan matapos na magsalpukan sa ere na ikinasawi ng isang flight instructor at dalawang Indian student pilot.

AIR TRANSPORTATION OFFICE

ARNOLD AMANO SR.

BARANGAY AGNAYA

BARANGAY LIGAS

BARANGAY LUMANGBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with