Binatilyo tinodas ng tiyuhin
Dahil sa bawal na pag-ibig, pinatay sa saksak at taga ang isang 17-anyos na lalaki ng kaniyang tiyuhin at dalawang iba pa matapos niyang tangkaing itanan ang kaniyang pinsan na kanya ring nobya sa
Agad na nasawi dahil sa maraming tama ng taga at saksak sa katawan ang biktimang si Alfonso Yonson, residente ng Sitio Sambang, Barangay Santa Cruz, Murcia.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Alfonso Dela Cruz at mga anak nitong sina Ryan at Richard na mabilis na tumakas matapos ang krimen.
Natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang sapa na wala nang bu hay at tadtad ng saksak at taga sa katawan dakong alas -9 kahapon ng umaga.
Ayon sa kasintahan ng biktima na si Reyna Mae Dela Cruz, may pitong buwan na silang magkatipan ng pinsan niyang si Alfonso at balak na nilang tumakas upang magsama bilang mag-asawa.
Gayunman, natuklasan ng kanyang mga kaaanak ang kanilang pag-iibigan kaya agad silang tinutulan ng mga ito.
Sinubukan ng dalawa na ipaglaban ang ka nilang pag-ibig subalit nabigo ito nang mapaslang ng kanyang mga kaanak ang kanyang kasintahan. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending