MANDAUE CITY, Cebu – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawa sa tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa isang interior designer noong nakaraang linggo sa Mandaue City makaraang maaresto ng pulisya sa bisinidad ng Sitio Crossing, Barangay Balud sa bayan ng San Fernando, Cebu, kamakalawa.
Kabilang sa mga suspek na isinailalim sa interogasyon ay sina Albert “Titat” Angga, 24; at Wilbert “Wilwil” Obaniel, 19, kapwa naninirahan sa Sitio Sta. Cruz, Barangay Lorega-San Miguel, Cebu City, habang pinaghahanap pa ang pangatlong suspek na kinilala lang sa pangalang Bolagdo Otto na ngayon ay nasa Maynila.
Ang mga suspek ay itinuturong pumatay kay Alexander Deen sa ikatlong palapag ng Mercedez Arcade sa Franco Building ng Barangay Tipolo, Mandaue City noong Pebrero 22.
Ayon kay MCPO director P/Senior Supt. Rodel Calungsod,
Nagpatulong ang biktima sa mga suspek noong Pebrero 19 magpabuhat ng mga bulaklak sa denidesenyuhan nitong bahay at binayaran sila ng P200 bawat isa.
Sinasabing si Otto ang huling namataang kasama ni Deen sa loob ng kuwarto nito at mayamaya lang ay narinig nila ang biktima na nagsisigaw sa paghahanap ng kanyang celfone at silang tatlo ay pinagbintangang kumuha nito.
Kaagad na nagalit at pinagbabaril ni Otto ang biktima saka pinagtulungang talian at ilagay sa loob ng banyo. (Edwin Ian Melecio)