Trader itinumba ng chief of police

CAMP VICENTE LIM, Laguna  — Nalala­gay sa balag ng alanga­nin ang chief of police sa bayan ng Victoria sa Oriental Mindoro maka­raang mabaril at mapa­tay nito ang may-ari ng sabungan sa bayan ng Mabini, Batan­gas kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. David Quimio, Ba­tangas police director, ang suspek na  si P/Senior Inspector Teles­poro Domingo, 33, ng Baran­gay Pulong Niyu­gan ng nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, inaba­ngan at pinag­ba­baril ng suspek ang negos­yan­teng si Arnel Castillo, 47, sa harap ng bahay nito sa Barangay Anilao East, Mabini, Batangas bandang ala-una ng hapon.

Mabilis na tumakas ang suspek lulan ng mo­torsiklo patungo sa ‘di pa malamang direk­syon.

Sa panayam ng NGA­YON kay P/Senior Supt. Agrimero Cruz, Oriental Mindoro police director, self-defense ang dahilan ni Do­mingo kaya n’ya naga­wang barilin at mapa­tay si Castillo, ayon na rin sa kanilang pag-uusap sa celfone mata­pos ang insidente.

Pinayuhan naman ni Col. Cruz, si Domingo na sumuko na sa mga awto­ridad ng Batangas para maipahayag nito ang kanyang katuwiran sa korte. (Arnell Ozaeta)

Show comments