Trader itinumba ng chief of police
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Nalalagay sa balag ng alanganin ang chief of police sa bayan ng Victoria sa Oriental Mindoro makaraang mabaril at mapatay nito ang may-ari ng sabungan sa bayan ng Mabini, Batangas kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. David Quimio, Batangas police director, ang suspek na si P/Senior Inspector Telesporo Domingo, 33, ng Barangay Pulong Niyugan ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, inabangan at pinagbabaril ng suspek ang negosyanteng si Arnel Castillo, 47, sa harap ng bahay nito sa Barangay Anilao East, Mabini, Batangas bandang ala-una ng hapon.
Mabilis na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo patungo sa ‘di pa malamang direksyon.
Sa panayam ng NGAYON kay P/Senior Supt. Agrimero Cruz, Oriental Mindoro police director, self-defense ang dahilan ni Domingo kaya n’ya nagawang barilin at mapatay si Castillo, ayon na rin sa kanilang pag-uusap sa celfone matapos ang insidente.
Pinayuhan naman ni Col. Cruz, si Domingo na sumuko na sa mga awtoridad ng Batangas para maipahayag nito ang kanyang katuwiran sa korte. (Arnell Ozaeta)
- Latest
- Trending