Mayor, umaktong alalay ng P120M lotto winner

CALAPAN CITY, Min-doro Oriental – Matapos ang ilang araw na pana­nahimik, lumantad na ang isang mag­sasaka sa bayan ng Roxas, Oriental Mindoro, na nanalo ng P120 milyong jackpot prize ng 6/49 super­lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Napag-alamang na­kum­binse ng magsasaka na samahan siya ng alkalde para kolektahin ang malaking halaga sa PCSO sa Metro Manila.

Itinago sa pangalang “R. Bautista,” 34, ang magsa­saka mula sa liblib na ba­rangay sa bayan ng Roxas, ay sinamahan ni Mayor Jackson C. Dy, kasama ang ilang security escort nito mula sa kanilang lugar hang­gang sa Maynila.

Sa mismong opisina ng PCSO, sinasabing kinolekta agad ni Bautista at Mayor Dy ang bahagi ng milyong piso, subalit ang natitirang halaga ay idineposito sa pinakama­lapit na bangko.

Nauna rito, si Bautista, na dating maralitang magsa­saka ay nag-iisang nagwagi ng P120 milyong jackpot prize sa “6/49” superlotto noong Pebrero 19.  

Ayon sa ilang residente, matapos na makabili ng ka­lahating kilo ng isda sa araw na iyon si Bautista, nag­tungo ito sa lotto outlet sa kanilang poblasyon at iti­naya ang na­lalabi nitong P20 para sa superlotto jackpot.

Kinabukasan, nanghi­ram sa kapitbahay si Bau­tista ng isang tabloid at na­bigla nang natuklasang nanalo siya ng P120 mil­ yon at kaagad niya itong ipina­alam sa asawa. 

Sa pag-aalalang mara­ming tao ang makakaalam sa kanilang swerte, tahimik na pinag-usapan ng mag-asa­wang Bautista ang ga­gawin at kung paano nila ma­ku­kubra ang milyones nang walang gaanong ma­ka­ka­pansin.

Nagdesisyon ang mag-asawa na si Mayor Dy, ang makapagbibigay sa kanila ng proteksyon.

Nang tanungin naman si Mayor Dy kaugnay sa na­banggit na isyu nagkibit-balikat lamang ito at tanging nasambit lang ng alkalde na siguradong makikinabang ang kanilang munisipyo. (Juancho Mahusay)

Show comments