3 estudyante todas sa salpukan

Kinarit ni kamatayan ang tatlong high school student ma­ tapos na aksidenteng sumal­pok ang motorsiklong sinasak­yan ng mga ito sa isang tangke ng gasolina sa Barangay Intaw, Barbasa, Antique kamakalawa.

Ang mga nasawi ay nakila­lang sina Ar­chie Ma­gabilin at Kevin Santos, resi­dente ng Brgy. Inalinan at Loven Amar ng Brgy. San Antonio  ng nasa­bing munisipa­lidad at  pa­wang estudyante ng Bar­basa National High  School.

Batay sa report, naganap ang trahedya sa highway ng Intaw dakong alas-8:55 ng umaga nitong Biyer­nes. Ayon sa mga testigo ang tatlong estud­yante na pawang lulan ng motorsiklo ay sumalpok sa isang gasoline tanker na pag-aari ng Petron Corporation.  (Joy Cantos)

Show comments