3 bata magkayakap nang malitson
Natusta ang katawan ng tatlong magkakapatid na batang lalaki nang makulong sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Barangay Kaingin, La Paz District,
Kinilala ang mga nasawing magkakapatid na Aligoro ang apelyido na sina Vincent, 6; Christian, 5 at Ron Robert, 3.
Ang nalitsong bangkay ng mga ito ay natagpuang magkakayakap pa sa loob ng nasunog nilang tahanan.
Batay sa ulat ng Police Regional Office-6, naganap ang insidente sa loob ng tahanan ng pamilya Aligoro sa nasabing barangay na pinaninirahanan ng mga squatter bandang alas-6:00 ng umaga.
Ayon sa imbestigasyon, nagulantang na lamang si Reynalda Aligoro, ina ng mga biktima matapos na lamunin ng apoy ang kanilang tahanan.
Sa matinding takot ay nagawang makatakbo ng ginang palabas sa nasusunog nilang tahanan bitbit ang bunso nitong si Justin na tatlong buwang sanggol pa lamang.
Gayunman, nabigo ang ginang na mailigtas ang tatlo pa nitong paslit na anak dahil masyado nang malaki ang apoy at tuluyan ng nakulong sa sunog ang mga paslit.
Wala naman ang ama ng mga biktima na si Raffy nang maganap ang insidente.
Nadamay rin sa sunog ang mahigit sa
- Latest
- Trending