4 tiklo sa baterya ng Globe

BULACAN – Kalaboso ang binagsakan ng apat-katao na pinaniniwalaang notoryus na kawatan makaraang ma­kumpiskahan ng nakaw na mga baterya ng Globe Telecom cellsite sa Barangay Ulong Buhangin sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Ronald de Jesus, ang mga suspek na sina Francis Salandan, 22, ng Barangay Balasing; Joselito Carandang, 38; Rainier Bautista, 34, kapwa residente ng FVR Village, Norzagaray, at si Joven Comonical, 35, ng Valenzuela City. Ayon sa ulat, ang mga suspek na sakay ng van patungo sa Barangay Balasing mula sa Pampanga ay nasabat sa PNP checkpoint sa nabanggit na barangay. (Dino Balabo)

Show comments