Ex-councilor, 1 pa dedo sa ambush

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Hindi na umabot pa ng buhay ang dalawang lalaki kabilang na ang ex-councilor makaraang tam­bangan ng mga di-pa ki­lalang kalalakihan sa bi­sinidad ng Barangay Du­langan sa bayan ng Mag­diwang, Romblon kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ni P/Inspector Divina Mencio, hepe ng Magdiwang PNP, ang mga  biktimang sina Florencio Rubia, 38, 3rd timer ex-councilor ng naturang ba­yan at ang kaibigan nitong si Buenafe Magro, 39, kapwa naninirahan sa Ba­rangay Poblacion sa na­banggit na bayan.

Ayon sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon, pa­pauwi na ang magka­ ibigan sakay ng motor­siklo nang harangin at ratratin pag­dating sa ba­rangay road ng na­banggit na barangay.

Nakarekober ng mga basyo ng cal. 9mm ang mga imbestigador sa crime scene habang inaalam pa rin ang naging motibo sa pamamaslang. (Arnell Ozaeta at Joy Cantos)

Show comments