Cavite hazing: 1 dedo, 1 pa grabe
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isang 22-anyos na binata ang iniulat na namatay samantala, nasa kritikal na kondisyon naman ang kaibigan nito makaraang sumailalim sa fraternity hazing sa bayan ng Naic,
Kinilala ang biktimang nasawi na si Ardin Velasco habang kritikal si Mamije “Johnny” Oliver, 24, kapwa residente ng Barangay Molino sa nabanggit na bayan.
Naaresto naman ang isa sa suspek na si Erickson “Mopat” Arahan, 24, presidente ng Cavite Varsitarian Fraternity habang pinaghahanap naman ang iba pang suspek.
Napag-alamang ni-recruit ang 15-katao kabilang na sina Oliver at Velasco ng isa sa mga miyembro ng frat, para sumailalim sa matinding hazing sa Barangay Labac bandang alas-8:30 ng gabi.
Sa kinasamaang palad, hindi nakayanan ng dalawa ang tindi ng mga palo ng paddle hanggang sa kapusin sila ng hininga at mawalan ng malay-tao na nagresulta ng pagkamatay ni Velasco.
Pormal na nagreklamo ang mga magulang ng biktima sa barangay hall kaugnay sa sinapit ng kanilang mga anak hanggang sa makarating sa kinauukulan. (Arnell Ozaeta)
- Latest
- Trending