^

Probinsiya

Barilan: Labor arbiter, lider ng RPA-ABB todas

- Antonieta Lopez -

BACOLOD CITY — Maagang kinarit ni kama­tayan ang isang abugadong labor arbiter makaraang pagbabarilin ng isang lider ng breakaway RPA-ABB na napatay din sa labas ng cock­pit sa Barangay Zone 4, Talisay City, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Napuruhan sa kaliwang mata ang biktimang si labor arbiter Atty. Phinbun Pura, habang nasawi rin ang alleged assassin ni Pura na si Edgar Nicor, lider ng break­away Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade matapos pagbaba­rilin ng brother-in-law ni Pura na si Kenneth Tirthdas, presi­dente ng Carmela Valley Homes Incorporated.

Ayon kay Talisay police chief Joseph Martir, papala­bas ng sabungan si Pura nang lapitan at pagbabarilin ni Nicor, alyas Ka Joshua. Ha­bang pa­takas si Nicor pa­tungo sa nag­hihintay na da­lawang kasamang naka­motorsiklo ay nagawang pa­putukan ng baril ng isa sa ka­sa­mahan ni Pura at ni Tirthdas.

Agad na bumulagta si Ni­cor na idineklarang patay sa Teresita Lopez Jalandoni Prov­incial hospital sa Silay City matapos tamaan ng ba­la sa likuran at kaliwang hita kaya napilitang iwanan ng kan­yang mga kasa­mahan.

Isang cal. 45 pistol na pi­naniniwalaang pag-aari ni Nicor ang narekober ng pu­lisya sa crime scene. Kasa­lukuyang sinisilip ng mga imbestigador ng Talisay police, ang anggulong personal na alitan o kaya job-related ang isa sa motibo ng krimen. (Dagdag ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BARANGAY ZONE

CARMELA VALLEY HOMES INCORPORATED

DANILO GARCIA

EDGAR NICOR

JOSEPH MARTIR

KA JOSHUA

KENNETH TIRTHDAS

NICOR

PURA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with