CAMP CRAME — Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ama makaraang pagbabarilin ng mga di-pa kilalang kalalakihan sa naganap na karahasan sa Barangay Casiaman sa bayan ng Bacnotan, La Union kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mag-amang sina Allan dela Cruz, 24, isang guro at anak nitong si Timothy Jarius, isang taong gulang.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, niratrat ang mag-ama sa harapan ng kanilang bahay.
Wala pang malinaw na motibo ang nasisilip ng pulisya na maaaring inugnay sa krimen. (Danilo Garcia)