18 naisalba sa barkong lumubog

LEGAZPI CITY – Aabot sa 18-crew ang iniulat na naisalba habang nawawala naman ang kapitan ng barko makaraan ang rescue operation ng mga awtoridad sa lumubog na barko kamakalawa ng gabi sa karagatang sakop ng Gubat at Prieto Diaz sa Sorsogon. Kabilang sa mga biktimang nailigtas ay sina John Marlon, Manuel Belangel, Sherwin Devero, Noel Labro, Arnulfo Abayon, Gilbert Mariano, Nelson Floresca, Jason Andaya, Orlando Camcam, John Paul Sibug, Michael Lavastilla, Evange­lista Mangisay Jr., Luis Janohan, Jose Oraneta, Rey Cabuan, Rommel Espinoza, at si Jerry Palad , samantala, patuloy naman pinaghahanap ang kapitan ng barkong M/V Don Wilfredo na si Nathaniel Latorena. Napag-alamang patungo sa Legazpi City mula sa Cebu ang nasabing barko nang balyahin ng malaking alon dulot ng masamang panahon.  (Ed Casulla)

Show comments