CAMP CRAME – Brutal na kamatayan ang sinapit ng dalawang bata makaraang pagtatagain ng isang magsasaka sa pag-aaring taniman ng gulay sa Barangay Sta. Clara sa bayan ng Gonzaga, Cagayan kamakalawa. Animo’y kinatay na baboy ang naging katawan ng mga biktimang sina Marilyn Salimbay, 4; at Levy Luda, 10. Samantalang ginagamot naman ang nasa malubhang kalagayang isa pang biktima na si Maribeth Pudtaan. Tugis naman ng pulisya, ang suspek na si Danilo Tolentino na kaagad na tumakas matapos isagawa ang krimen. Ayon sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na naaktuhan ng suspek ang tatlong bata na nangunguha ng gulay sa kaniyang taniman. Dahil sa galit ay nagawang pagtatagain ng suspek ang mga biktimang walang lakas na lumaban. (Joy Cantos)