Anak inutas ng ama

CAMP VICENTE LIM, Laguna  – Masaklap na kamata­yan ang sinapit ng isang 30-anyos na anak na lalaki sa kamay ng sariling amang senglot kung saan pinagsasaksak ang una sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Zapote 1, Bacoor,  Cavite noong Lunes ng hapon. Sa naantalang ulat na nakarating sa Camp Vicente Lim, kinilala ang biktimang si Joseph Bumatay, samantalang naaresto naman ang suspek na si Ernesto Buma­tay, 57. Ayon sa ulat, bago maganap ang krimen ay nagtalo ang mag-ama tungkol sa pagiging sugapa sa alak ng ma­tan­dang Bumatay. Nagalit ang suspek sa sariling anak kaya nagawa nitong paslangin ang biktima. (Arnell Ozaeta)

Show comments