University of Baguio nasunog
FORT DEL PILAR, Baguio City – Tinatayang aabot sa 10,000 estudyante ang naapektuhan habang milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang apat na palapag na gusali ng University of Baguio sa Assumption Road, Baguio City kahapon ng umaga.
Ayon kay UB Vice President for Finance JB Bautista, nagsimula ang apoy sa ilalim ng faculty office ng high school department, na isa sa oldest building na pag-aari ng mga Bautista na
Nagsimulang kumalat ang apoy bandang alas-11:30 ng umaga kaya ang libu-libong estudyante na karamihan ay mula sa kolehiyo na may klase sa UB’s building ay nagpanakbuhan palabas ng nasabing compound, habang inaapula naman ng mga pamatay-sunog ang apoy na naapula matapos ang isang oras at kalahati. Nadamay din ang 8-palapag na gusali na nasa harapan ng nasabing unibersidad at posibleng maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante partikular na ang nursing.
Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa insidente, bagaman dalawa sa mga estudyante ay hinimatay sa insidente.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga arson investigator ang naganap na sunog. (Artemio Dumlao at Joy Cantos)
- Latest
- Trending