Cebu – Isang 17-anyos na dalagitang itinago sa alyas na Che ang ginahasa bago 13 beses pinagsasaksak ng isa niyang manliligaw sa loob ng kanyang kuwarto sa Balamban, Cebu kamakalawa.
Naisalba naman ang buhay ng biktima nang maisugod sa Vicente Soto Memorial Medical Center sa Cebu City.
Agad namang nadakip ang suspek na si Sergio Milan, 43, isang istambay sa Barangay Sta. Cruz ng nasabing lungsod. (Edwin Ian Melecio)