Umaabot sa 30 katao ang iniulat na nawawala maka raang lumubog ang dalawang sasakyang pandagat sa magkakahiwalay na insidente sa karagatang nasasakupan ng Sorsogon, kamakalawa.
Batay sa report, bandang alas-8 ng gabi nang maiulat ang paglubog na isang cargo ship sa karagatang sakop ng Prieto Diaz at Gubat, Sorsogon kung saan, isa pa lamang ang naililigtas habang patuloy pang hinahanap ang nawawalang pasahero.
Sa kabilang dako, isa ring M/V Wilfredo ang naiulat na lumubog sa karagatang sakop naman ng Buhang, Bulusan ng lalawigan.
Galing umano ang nasabing barko sa Cebu lulan ang 19 na pasahero nang lumubog sa nasabing bahagi ng karagatan.
Ang nasabing sasakyang pangkargamento na MV/Don Wilfredo ay puno umano ng kargang mga beer nang maganap ang insidente.
Patungo ang cargo ship sa Legazpi City, Albay mula Cebu City nang balyahin ng malalaking alon na naging sanhi ng paglubog nito.
Nabatid na 14 sa mga crew ay nailigtas ng mga mangingisda at police personnel sa karagatan ng mga bayan ng Matnog, Bulusan at Barcelona, Sorsogon. (Joy Cantos at Grace dela Cruz)