^

Probinsiya

2 barko lumubog, 30 katao nawawala

-

Umaabot sa 30 katao ang iniulat na nawawala maka­ raang lumubog ang dala­wang sasakyang pan­dagat sa magkakahiwalay na insi­dente sa karagatang nasasa­kupan ng Sorsogon, kama­kalawa.

Batay sa report,  ban­dang alas-8 ng gabi nang maiulat ang paglubog na isang cargo ship sa kara­gatang sakop ng Prieto Diaz at Gubat, Sorso­gon kung saan, isa pa la­mang ang naililigtas habang pa­tuloy pang hinahanap ang nawawalang pasahero.

Sa kabilang dako, isa ring M/V Wilfredo ang na­iulat na lumubog sa kara­gatang sa­kop  naman ng Buhang, Bu­lu­san ng lala­wigan.

Galing umano ang nasa­bing barko sa Cebu lulan ang 19 na pasahero nang lumu­bog sa nasabing bahagi ng karagatan.

Ang nasabing sasak­yang pangkargamento na MV/Don Wilfredo ay puno umano ng kargang mga beer nang maganap ang insidente.

Patungo ang cargo ship sa Legazpi City, Albay mula Cebu City nang balyahin ng malalaking alon na naging sanhi ng paglubog nito.

Nabatid na 14 sa mga crew ay nailigtas ng mga mangingisda at police personnel sa karagatan ng mga bayan ng Matnog, Bulusan at Barcelona, Sorsogon. (Joy Cantos at Grace dela Cruz)

CEBU

DON WILFREDO

JOY CANTOS

PLACE

PRIETO DIAZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with