Utak sa pagpatay sa ina ng consul, tiklo
BULACAN – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isa sa apat na suspek at itinuturing na utak sa pagpatay sa ina ng consul general ng Pilipinas sa Australia noong Hulyo 12, 2006 sa bayan ng Bulakan, Bulacan sa isinagawang operasyon sa Barangay Pembo, Makati, City, Metro Manila kahapon.
Sumasailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Rolando Villaverde y Mangahas, 26, ng Barangay Sta. Ana, Bulakan, Bulacan.
Ayon kay P/Senior Supt. Allen Bantolo, si Villaverde ay isa sa pangunahing suspek sa pagpapatay kay Rosalina Pareño-Lazaro, 74, biyuda at ina ni Teresa Lazaro na consul general ng Pilipinas sa
Naunang naaresto ang tatlong kasabwat ni Villaverde na sina Domingo Chico y Miranda, Abet Dela Cruz at Dennis Bautista na namatay sa kulungan dahil sa sakit noong Disyembre.
Si Villaverde ay dating traysikel drayber na inihahatid ang matanda pauwi sa Barangay San Jose ng nabanggit na bayan.
Pinabulaanan naman ni Villaverde na siya ang utak sa krimen bagkus ibinaling sa kanyang kasamang si Dela Cruz ang pumatay sa matandang nagtamo ng 75 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Dino Balabo)
- Latest
- Trending