^

Probinsiya

Bride-to-be nag-suicide

- Edwin Ian Melecio -

CEBU – Hindi na uma­bot sa araw ng kanyang kasal ang isang 19-anyos na ba­bae na pinanini­wa­laang buntis ng dala­wang buwan maka­raang tumalon sa ba­ngin na sakop ng Ba­rangay Calumpang sa bayan ng Oslob, Cebu noong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jane Gercillea ng Daanban­tayan at pan­saman­talang nakikitira sa bahay ng kanyang ma­pa­pangasawa na si Gionneve Sormeon, 20, ng nabanggit na barangay.

Pansamantalang wa­lang masilip na mo­tibo ang mga imbesti­gador ng pu­lisya sa nagpakamatay na biktima, subalit ayon kay SPO4 Isagani Ti­napay ng himpilan ng pulisya sa Oslob, bago maganap ang insi­dente ay magkasa­mang nananghalian sa karin­derya si Gercillea at Sor­meon at nama­taan ding magkasa­mang umuwi.

Ayon kay Sormeon, ha­bang sila ay nag­papahinga sa kanilang bahay ay ‘di-nito na­pansing lumabas ang babae papunta sa ba­ngin na may 200 metro lamang ang layo mula sa kanilang tinitirhan.

Sinubukang sundan ni Sormeon kasama na ang kanyang  batang  kapatid na babae at sinubukang kumbin­sihin na huwag ga­ga­wa ng masama.

Subalit sa halip na su­munod ay ibinigay ng ba­bae ang hawak nitong kutsilyo, relos at tsinelas sa nakababa­tang kapatid ng mapa­pangasawa.

Pinagsabihan ng babae ang mag-utol na kung maghahanap ang kanyang mga magu­lang ay ipag­bigay alam na patay na ito at ka­sabay nito ay biglang tumalon sa bangin ang biktima.

Nagkalasug-lasog ang katawan ni Ger­cillea nang tumama sa binagsakang batuhan subalit sinubukan pa itong isugod sa Oslob District Hospital pero idi­neklarang patay.

Ayon sa pulisya, dala­wang araw na ang nakaka­lipas nang ipag­bigay-alam ni Gercillea sa kanyang kasin­tahan na may mabigat itong  problemang hindi niya ka­yang sabihin kani­nu­man.

Ayon kay PO2 Nel­son Saquibal, base na rin sa resulta ng awtop­siya ng municipal me­dico-legal officer ay da­lawang buwang buntis si Gercillea.

AYON

GERCILLEA

GIONNEVE SORMEON

ISAGANI TI

OSLOB

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with