LUCENA CITY – Umaabot sa 100 maralitang pamilya sa Barangay Talao-talao ang pinagkalooban ng libreng pabahay ng isang grupo ng civic and religious organization sa pamamagitan ng isinagawang ground breaking kamakalawa.
Tinaguriang “Village of Angels” ang proyekto ng Bukas Loob sa Diyos (BLD) na pinamumunuan ng founder nitong si Ricardo Pascua, bilang pagkilala sa global spiritual director na si Archbishop Angel Lagdameo at mga ina ng mag-asawang Pascua.
Nakipag-ugnayan ang BLD sa Gawad Kalinga (GK) upang magkaroon ng katuparan ang proyektong Village of Angels na kabilang sa 700,000 pabahay sa ibat-ibang panig ng bansa sa pamamagitan ni Tony Meloto.
Napili ng BLD-GK ang 50 mag-asawa na maging benificiaries ng housing project matapos na sumailalim sa 3-araw na seminar noong Hunyo 2007. (Tony Sandoval)