BATANGAS CITY –Tatlo-katao kabilang na ang isang babae ang iniulat na napatay makaraang tambangan ng mga ‘di-pa nakilalang kalalakihan sa bahagi ng Barangay Concepcion sa Batangas City, Batangas noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ni P/Supt. Christopher Tambungan, Batangas City chief of police, ang mga biktimang sina Dennis Solis, 24, ng San Jose, Batangas; live-in partner nitong si Edna Ma yuga at ang traysikel drayber na si Roland Malaluan, 22.
Ayon sa pulisya, papauwi na ang mga biktima sa bayan ng San Jose mula sa Batangas City lulan ng trike nang harangin at ratratin sa kahabaan ng highway na sakop ng nabanggit na barangay bandang alas-5 ng hapon.
Sabog ang ulo ni Solis samantalang nagkabutas-butas naman ang buong katawan nina Mayuga at Malaluan dahil sa tama ng bala ng M16 rifle.
Mabilis na nagsitakas ang mga killer sakay ng kulay puting kotse na walang plaka patungo sa ‘di-pa malamang direksyon.
Pinaniniwalaang paghihiganti ang nasisi lip na motibo matapos na may makagalit ang mga bik tima sa bayan ng San Jose na patuloy pa ring inaalam.