Pugante arestado

CEBU – Naubusan na ng lupang matatakbuhan ang isang pugante kaya mabilis na nasakote ng pulisya sa Sitio Capatagan sa Barangay Bagatayan, Sogod, Cebu noong Biyer­nes ng gabi. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Jasper Jessie Dacamay ng MCTC Lilo-an, naaresto ang puganteng si Marlon Montejo Brigoli ng Barangay Tayud, Liloan, Cebu. Si Brigoli ay nasasangkot sa kasong bawal na gamot noong Agosto 2007 at nakapuga na kasama ang dalawa pang preso na sina Jaime Busket at Junnie Maglasang. Napag-alamang naunang naaresto sina Busket at Maglasang bago masakote si Brigoli sa pangunguna nina SP01 William Jumao-as, P03 Elmer Mendoza, P02 Dario Denopol at P01 Raul Medez. (Edwin Ian Melecio)

Show comments