Abogado itinumba

Isang abogado ang nasawi nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong kalalakihan sa Puerto Galera, Oriental  Mindoro kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Atty. Christian Garcia na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Minamaneho ni Garcia ang kanyang mo­torsiklo sa Barangay Poblacion ng naturang bayan bandang alas-6:25 ng gabi nang  biglang sumulpot sa tagiliran ang  dalawang lalaking lulan ng isa ring motorsiklo.

Agad na pinagbabaril ng mga suspek ang bik­tima na duguang tumilapon sa kaniyang motor­siklo. (Joy Cantos)

Show comments