Army Colonel nanonood ng bold movie sa laptop

Sinabon nang todo ng kaniyang superior ang isang Army Colonel matapos itong ma­huli sa akto habang na­nonood ng bold movie sa kaniyang laptop sa kainitan ng lokal na peace and order meeting ni National Security Adviser Norberto Gon­zales sa Tagum, Davao Sur, ayon sa ulat ka­hapon.

Ang nasabing opis­yal ay tinukoy lamang sa apelyidong Colonel Ramos, nakatalaga sa Eastern Mindanao Com­mand ng Armed Forces of the Philippines sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat, nasa kainitan ng kaniyang briefing si Gonzales sa nasabing himpilan ha­bang tahimik naman nakikinig ang mga  opis­yal na sundalo ng AFP-Eastmincom.

Gayunman, napan­sing abalang-abala na­man si Ramos sa kan­yang laptop na hindi naman pinapansin ng mga kapwa opisyal na abala sa pakikinig kay Gonzales.

Inakala naman ng kaniyang mga kasama­han na nagte-take note lamang si Ramos sa talumpati ni Gonzales o may mahalagang paper works.

Nang silipin nila ang laptop ni Ramos  ay laking gulat ng kani­yang mga kasama­hang opisyal nang ma­diskubreng nanonood lamang pala ito ng bold movie mula sa internet sa kaniyang laptop.

Dahil sa insidente, matapos na makaalis si Gonzales ay ipinata­wag ng kaniyang superior si Ramos sa nasa­bing himpilan at sina­bon ito ng todo na halos mamutla naman sa kahihiyan sa nasabing insidente.

Show comments