^

Probinsiya

PNP red alert sa minahan

-

Itinaas na sa red alert status ang pulisya sa mga minahan ng ginto sa Compostella Valley upang ma­pigilan ang posible pang pagsalakay ng mga re­beldeng New People’s Army.

Ito’y matapos lusubin ng NPA ang JB Management and Mining Corporation sa Monkayo, Com­postella Valley na ikinasawi ng dalawang body guard ni Monkayo Mayor Manuel Brillantes Jr.

Ayon sa Police Regional Office (PRO) 11, naglatag na ng checkpoints at chokepoints ang pulisya sa mga bayan ng Montevista at Nabunturan habang ang mga elemento ng Compostela Valley Provincial Police Office Intelligence at 1102nd Mobile Group  ay uma­lerto na rin.

Maging ang mga sundalo ng militar sa bahagi ng Compostella Valley ay nakaalerto na rin laban sa atake ng NPA. (Joy Cantos)

COMPOSTELA VALLEY PROVINCIAL POLICE OFFICE INTELLIGENCE

COMPOSTELLA

JOY CANTOS

MANAGEMENT AND MINING CORPORATION

MOBILE GROUP

MONKAYO MAYOR MANUEL BRILLANTES JR.

NEW PEOPLE

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with