^

Probinsiya

Gitgitan sa trapik: 2 nagpatayan

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE  – Pinanini­wa­laang hindi nagparaya ang bawat isa at pagiging ma­initin ang ulo, ang isa sa ugat kaya  kapwa namatay ang isang miyembro ng Phil Navy at alalay ng vice mayor na nagkabarilan dahil sa gitgitan sa trapik sa Barangay Carsadang Bago sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Huberto Butingan, 56, drayber/bodyguard ni Vice Mayor Mandy Ilano ng Imus, ng Villa Nicasia Subd. sa Barangay Bayan Luma 2 at si Dante Sablong, 40, kawal ng Phil. Navy, ng Blk 14 Lot 5 Real Homes sa Brgy. Alapan Imus.

Sa ulat na isinumite kay P/Supt Ulyssess Cruz, na­itala ang insidente bandang alas-6 ng gabi kung saan si Butingan ay sakay ng owner-type jeep na may plakang DJX 927 habang si Sablong naman ay lulan naman ng owner-type jeep (VBD-758).

Nabatid sa ulat na nag­kagitgitan ang dalawa ma­tapos mag-overtake si Bu­tingan sa sasakyan ni Sablong.

Ayon sa ilang nakasaksi sa insidente, kapwa hu­minto ang dalawa at bu­maba sa kani-kanilang sasakyan saka nagkagirian na humantong sa barilan.

Wala namang naglakas ng loob na umawat sa da­lawa sa takot na madamay hanggang sa kapwa bu­mulagta kaya naisugod sa ospital.

“Akala mo kasi mga hari ‘yung dalawa na hindi ti­natablan ng bala, kaya nag­barilan eh,” pahayag ng isang nakasaksi.

ALAPAN IMUS

BARANGAY BAYAN LUMA

BARANGAY CARSADANG BAGO

DANTE SABLONG

HUBERTO BUTINGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with