CAMARINES NORTE – Aabot sa 50,000-katao mula sa iba’t ibang lalawigan ang dumagsa sa healing rally ni Fr. Fernando Suarez na ginanap sa Holy Trinity Cathedral sa Barangay Gahonon, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.
Linggo pa lamang ng hapon nang dumgsa sa nasa bing simbahan ang mga taong magpapagamot kahit na bumubuhos ang malakas na ulan hanggang sa buksan ang harapan ng gate ng cathedral bandang alas-7 ng umaga at halos magkatulukan sa pag-uunahan na makapasok.
Bandang alas-2 ng hapon nang isagawa ang healing mass sa pamamagitan ng pagdampi ng palad ni Fr. Suarez sa mga maysakit at halos hindi makapaniwala ang lahat dahil isa isang nagpato too sa harapan ng simbahan ang mga lumpo, bulag, bingi at iba pang karamdaman na napagaling ni Suarez.
Tumagal ng halos 8-oras ang healing mass dahil hangad na mapagbigyan ang lahat na naghihintay sa labas ng simbahan.
Samantala, aabot naman sa 40-katao na hinimatay dahil sa tindi ng sikat ng araw ang nabigyan ng first aid ng Red Cross-Camarines Norte katuwang ang rescue team ng CANORA, Kabalikat Civicom, Knights of Columbus, KABAYAN at PNP. (Francis Elevado)