^

Probinsiya

Healing mass dinagsa

-

CAMARINES NORTE  – Aabot sa 50,000-katao mula sa iba’t ibang lala­wi­gan ang du­magsa sa healing rally ni Fr. Fernando Suarez na ginanap sa Holy Trinity Cathedral sa Barangay Gahonon, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng ha­pon.

Linggo pa lamang ng ha­pon nang dumgsa sa nasa­ bing simbahan ang mga taong mag­papagamot kahit na bumu­buhos ang malakas na ulan hanggang sa buksan ang ha­rapan ng gate ng cathedral ban­dang alas-7 ng umaga at halos magkatu­lukan sa pag-uunahan na makapasok.

Bandang alas-2 ng ha­pon nang isagawa ang healing mass sa pamama­gitan ng pagdampi ng palad ni Fr. Suarez sa mga may­sakit at halos hindi maka­paniwala ang lahat dahil isa isang nagpato­ too sa hara­pan ng simbahan ang mga lumpo, bulag, bingi at iba pang karamdaman na na­pa­galing ni Suarez.

Tumagal ng halos 8-oras ang healing mass dahil hangad na mapag­bigyan ang lahat na nag­hihintay sa labas ng sim­bahan.

Samantala, aabot na­man sa 40-katao na hini­matay dahil sa tindi ng sikat ng araw ang nabigyan ng first aid ng Red Cross-Ca­marines Norte katu­wang ang rescue team ng CANORA, Kabalikat Civicom, Knights of Columbus, KABAYAN at PNP. (Francis Elevado)

BARANGAY GAHONON

CAMARINES NORTE

FERNANDO SUAREZ

FRANCIS ELEVADO

HOLY TRINITY CATHEDRAL

KABALIKAT CIVICOM

KNIGHTS OF COLUMBUS

RED CROSS-CA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with