^

Probinsiya

P1-M pabuya sa ex-NPA

-

CEBU CITY – Tumata­ginting na P1-milyong pa­buya ang ipinagkaloob ng Department of National Defense sa isang 27-anyos na dating rebeldeng New Peo­ple’s Army sa Negros Oriental dahil sa impormasyong ibinigay nito na nagresulta sa pagkakapatay ng isang lider ng NPA noong 2007.

Ang nasabing halaga na na­kalagay sa itim na attaché case ay iniabot kahapon ng umaga ni Central Command com­mand­ing general, Lt. Gen. Victor Ibrado.

Hindi naman pinayagang makipag-usap sa mga ma­mamahayag ang dating re­belde na sinasabing limang taon ding nagtiis sa kabun­dukan hanggang sa ito ay nagpasiyang sumuko at nakipagtulungan sa militar.

“Dapat mas tinitingnan ang ipinamalas na kata­pangan ng nasabing impor­mante sa pakikipagtulungan sa militar dahil wala naman sa hinagap nito na may pabuyang naka­laan para sa ulo ni Illustrisimo,” pahayag ni Ibrado.

Ipinangako naman ni Ibrado na bibigyan ng sapat na seguridad ang bawat rebel­deng sumusuko pati na rin ang nakikipagtulungan sa kanila laban sa mga dating kasama­han na maaring magka-inte­res sa kanilang buhay.

Sa tala ng militar, ang na­patay na lider ng NPA rebs ay kinilalang si Leopoldo Illus­trisimo, alyas Akoy/ Redskie at Mayo ng Baking Squad.

Sa record ng militar, si Illustrisimo ay tubong Hacienda Pula, sa Barangay Eus­taquio Lopez sa Silay City at sinasabing isa sa bumuo ng National Federation of Sugarcane Workers noong dekada 80 bago nito pinamunuan ang Larangan Gerilya 3; Larangan Gerilya 4 bilang deputy secretary ng Preparatory Front.

Noong 2005, ay naaresto ng tropa ng 11th Infantry Battalion si Illustrisimo subalit pinawalan din ito matapos na walang makitang ebidensya laban sa kanya.

Ito ang naging dahilan kaya siya na-demote sa kilu­san at na­ging isa na lang squad leader, posisyong kan­yang pinangha­hawakan hang­gang sa ito ay ma­patay ng tropa ng Army Scout ranger noong July 26, 2007 sa Sitio Lagoc, Barangay Men­chaca, Calatrava sa Ne­gros Oriental. (Edwin Ian Melecio)

vuukle comment

ARMY SCOUT

BAKING SQUAD

BARANGAY EUS

BARANGAY MEN

ILLUSTRISIMO

LARANGAN GERILYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with