BULACAN — Patung-patong na kasong kriminal ang nakatakdang isampa laban sa anak ng dating bokal sa Bulacan makaraang ireklamo ng isang brodkaster noong Huwebes sa Malolos City, Bulacan.
Si Andrei “Bong” Aldaba na anak ni ex-Bokal Vic Aldaba ay kakasuhan ng harassment, oral defamation, grave threat at alarming public scandal na isusumite sa piskalya ng brodkaster ng Radio Veritas WST 87.9FM na si Rommel Ramos.
Ayon kay Ramos, katatapos lamang ng kanyang programa nang hamunin ng suntukan pagmumurahin siya ni Bong sa labas ng radio station.
“Mabuti na lamang at may mga kasama akong pulis na nagbigay sa akin ng seguridad sapagkat may naka-amba na palang peligro sa loob pa mismo ng aming himpilan ng radyo,” Pahayag ni Ramos.
Ang naganap na kaguluhan ay nakunan ng video footage ng kasama ni Ramos. (Dino Balabo)