Foreigner nagbigti
Ayon kay PO3 Geoffrey Gutual, imbestigador ng Homicide Section, malimit makita ng mga residente sa kabahayan ang nasabing lalaki na may edad 20-anyos pataas at palabuy-laboy nitong nakalilipas na araw bago matagpuan ni Rey Yunting na nangangahoy sa nasabing lugar.
Nabatid din sa magkapatid na sina Reynante Mamalias, 10 at Jomar Mamalias,12, na nangunguha rin ng panggatong noong Sabado ng hapon ang nakakita sa biktima na umiinom ng alak habang nakaupo sa isang nabuwal na puno.
Narekober ng pulisya ang halagang P60, isang lighter, isang bawas na ang laman ng kaha ng sigarilyo, isang cutter mula sa bulsa ng biktima.
Wala pang nakitang ebidensya sa ngayon ang mga imbestigador na may foul-play sa insidente, gayon pa man ay isasailalim sa awtopsiya ang bangkay nito. (Edwin Ian Melecio)
- Latest
- Trending