^

Probinsiya

Palawan gov. nakisawsaw sa kaso ng mining firm

-

Pinaniniwalaang nakikisawsaw si Palawan Governor Joel Reyes sa disposisyon ng kaso ng isang mining firm na ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) na ilipat sa state prosecutor sa Maynila, mula sa provincial prosecutor. 

Ayon kay Ferdinand Pallera, vice president ng Citinickel, ang tangka ni Reyes na pigilan ang paglilipat sa kaso mula provincial prosecutor patungo sa prosecutor sa Maynila ay lubhang kuwesti­yonable dahil nakikialam na ang gobernador sa trabaho ng DOJ, partikular na sa disposisyon ng kaso ng Citinickel Mines and Development Corporation at ng Oriental Peninsula Resources Group. 

Magugunita na ang gobernador ay nahaharap ngayon sa kasong graft and corruption sa Sandiganbayan matapos na payagan ang Platinum Group Metals Corp., (PGMC) na maka­pagmina ng 282,729.35 metric tons ng mineral ores, lubhang mas marami kumpara sa 50,000MT na itinatakda ng Small Scale Mining Law.

Samantala, itinanggi naman ni Gov. Reyes ang anumang akusasyon laban sa kanya partikular na ang paglabag sa Phil. Mining Act of 1995 at ang RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

CITINICKEL MINES AND DEVELOPMENT CORPORATION

DEPARTMENT OF JUSTICE

FERDINAND PALLERA

MAYNILA

MINING ACT

ORIENTAL PENINSULA RESOURCES GROUP

PALAWAN GOVERNOR JOEL REYES

PLATINUM GROUP METALS CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with