^

Probinsiya

Kabesa kinatay ng Cafgu

-

ORMOC CITY, Leyte —  Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 57-anyos na barangay chairman ma­kara­ang ratratin at pagta­tagain ng isang kasapi ng Citizen Auxiliary Geogra­phical Force Unit sa Ba­rangay Hiluctogan sa Ormoc City, Leyte noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni SPO4 Pio Piña­flor ang biktima na si Rodrigo Grana y Villote, 57, chairman ng nabanggit na barangay. Samantala, su­muko naman sa pulisya ang suspek na si Floro Apura y Morales, 56, naka­talaga sa pagmimintine ng kapa­li­giran ng Phil. Oil Com­pany sa Barangay To­ngonan.

Sa ulat ni PO2 Eutemio Baillo, lumilitaw na inimbes­ti­gahan ng biktima ang suspek kaugnay sa reklamo ng isang 11-anyos na mag-aaral na hinalikan ng huli.

Dahil sa bahay ng sus­pek ginawa ang imbestigas­yon at hindi sa barangay hall ay nag­tanim ng galit ang una laban sa biktima

Ayon sa ilang  nakasaksi sa krimen, hindi pa nakun­tento ang suspek sa gina­wang pamamaril sa biktima bagkus ay pinagtataga pa ito matapos na magka­sa­lubong ang da­lawa sa barangay proper.

Habang iniimbestigahan ng pulisya, inamin ng suspek ang krimen dahil na­insulto raw siya sa ginawa ng biktima na mis­mong sa bahay niya isinagawa ang imbestigasyon.

Naging pabor naman ang ilang opisyal ng ba­rangay sa ginawa ng ka­nilang chairman dahil mas lalong kahiya-hiya ang aabutin ng suspek kung sa barangay hall iimbestiga­han ang reklamo laban sa kanya. (Roberto Dejon)

BARANGAY TO

CITIZEN AUXILIARY GEOGRA

EUTEMIO BAILLO

FLORO APURA

FORCE UNIT

LEYTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with