2 bata ni-rape ng binatilyo

CAMP CRAME – Nagu­lantang ang mga residente sa bayan ng Asipulo, Ifugao matapos arestuhin ng pulisya ang isang 14-anyos na binatilyo na isinasangkot sa serye ng panghahalay laban sa dalawang menor-de-edad na babae noong nakalipas na taon.

Sa ulat ng Cordillera Administrative Region Police, ang suspek na itinago sa pangalang Carlo ay isang grade IV pupil sa Panubtuban Elementary School at residente ng Sitio Nuntiguing, Barangay Pa­nubtuban, Asipulo ng na­banggit na lalawigan.

Base sa report na isi­numite sa Camp Crame, ang suspek ay inireklamo ng pamilya ng isang 4-anyos na babae sa isang Day Care School at isang 7-anyos naman na isa namang grade 1 pupil.

Sa salaysay ng mga biktima, naganap ang pa­ulit-ulit na panghahalay noong Disyembre 2007 at Enero 6, 2008 sa taniman ng kape at pinagbantaan ang dalawa na papatayin kapag ipinagbigay-alam sa kinauukulan. May posibili­dad na naimpluwensyahan ng pagbabasa at panonood ng mga malalaswang ba­basahin ang suspek.

Ang kaso ay idinulog na sa Provincial Prosecutor’s Office habang ang suspek ay nasa custody ng Municipal Social Welfare Development para sumailalim sa diversionary program. (Joy Cantos)

Show comments