^

Probinsiya

Pupil sinikmuraan ng principal

-

CAMP CRAME – Nagmistulang boksingero ang isang principal matapos nitong sikmuraan ng dalawang ulit sa tiyan kung saan knockout  at pasirkong  tumilapon ang isang makulit na pupil sa loob ng Ilagan South Central School sa bayan ng Ilagan, Isabela, ayon sa ulat kahapon.

Ang biktimang itinago sa pangalang Junjun, grade 4 ng nabanggit na eskuwelahan ay dumulog sa himpilan ng pulisya na kasama ang kaniyang ina para magreklamo.

Sa ulat, napilitang dumulog sa pulisya si Clarita Marayag, ina ng biktima para ireklamo ang suspek na si Danilo Gabriel.

Sa sinumpaang salaysay ng mag-inang Marayag, sinabi ng bata na binitbit siya ng security guard ng school na si Carlito Bulan dahil sa pag-akyat niya sa bakod habang nag­lalaro silang magkaklase.

Pinalo ng guwardiya at binitbit ang biktima patungo sa tanggapan ng principal para bigyan ng diciplinary action.

Nang makaabot sa principal ang pangyayari ay nagalit ito at pinadapuan ng dalawang malalakas na suntok sa tiyan ang bata na halos ‘di-makabangon sa insidente.

Ang pangyayari ay nasaksihan naman ng  isang kaklase ng bik­ tima na  humarap sa himpilan ng pulisya sa naganap na kom­prontasyon.

Nakiusap naman ang suspek sa ina ng bata  na huwag ituloy ang reklamo dahil babalikatin na lamang nito ang pagpapagamot subalit nanindigan ang misis na ituloy ang kaso dahil sa matinding awa sa sinapit ng anak. (Joy Cantos)

vuukle comment

CARLITO BULAN

CLARITA MARAYAG

DANILO GABRIEL

ILAGAN

JOY CANTOS

PLACENAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with