Cavite blast: 4-katao patay

CAVITE  –  Apat-katao ang iniulat na namatay saman­talang umaabot na­man sa sampu-katao ang nasaktan makaraang su­mabog ang tatlong apartment na pi­naniniwalaang ginaga­wang imbakan ng dinamita sa coastal ba­rangay ng Ro­sario, Cavite kahapon ng tanghali.

Kinilala ni P/Supt. Edgar Roquero, hepe ng Rosario PNP, kabilang sa mga na­matay ay si Genalyn Ca­lalo, 17,  4th year  high school student ng Rosario Institute. Si Genalyn ay anak ni Teresita Calalo, na nasa Guam at may-ari ng bahay kung saan nagmula ang pagsabog.

Ayon kay Roquero, na­natili pa ring hindi naki­kilala ang tatlong lalaki na na­matay dahil sa tindi ng kanilang sinapit sa pag­sabog.

“Hindi sila makilala kasi wasak na wasak at sunog ang kanilang mga mukha,” dagdag ni Roquero.

Naiulat na nasaktan na­man ay sina Tingting Re­car­da, Amelia Anosa, Eugene Hernandez, 17; Ja­nilyn Trinidad, 17; Mar­jorie Prodigalidad, Fhei Prodiga­lidad, Myrna Trini­dad at tatlo na ‘di-pa naki­kilalang biktima na pawang itinakbo sa Our Saviour Hospital, SMC Hospital, Contreras Hospital at iba pang ospital sa Metro Manila.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, lumilitaw na su­mabog ang tatlong pinto at dalawang palapag na apartment sa A.C. Mercado Street na sakop ng Ba­rangay Wawa Uno na ikina­wasak din ng anim na ba­hay sa kalapit nito.

Sa panayam ng PSN kay Col. Roquero, nakare­kober sila ng mga blasting caps at mga bakas ng explosive powder material na posibleng ginagamit sa paggawa ng dinamita.

 “Mukhang katulad din ito nang nangyari sa Ba­coor, Cavite pero iimbes­tigahan pa namin kung ano ang talagang nang­ yari” pahayag pa ni Ro­quero

Sa tala ng pulisya, may anim-katao ang namatay matapos sumabog ang ka­nilang bahay na gina­wang imbakan ng dinamita na ginagamit sa illegal fishing sa Anthurium St. Phase 5, Camella Sorrento Homes sa Barangay Pana­paan, Ba­coor, Cavite noong Nobyem­bre 2007.

Show comments