Cavite blast: 4-katao patay
Kinilala ni P/Supt. Edgar Roquero, hepe ng Rosario PNP, kabilang sa mga namatay ay si Genalyn Calalo, 17, 4th year high school student ng Rosario Institute. Si Genalyn ay anak ni Teresita Calalo, na nasa
Ayon kay Roquero, nanatili pa ring hindi nakikilala ang tatlong lalaki na namatay dahil sa tindi ng kanilang sinapit sa pagsabog.
“Hindi sila makilala kasi wasak na wasak at sunog ang kanilang mga mukha,” dagdag ni Roquero.
Naiulat na nasaktan naman ay sina Tingting Recarda, Amelia Anosa, Eugene Hernandez, 17; Janilyn Trinidad, 17; Marjorie Prodigalidad, Fhei Prodigalidad, Myrna Trinidad at tatlo na ‘di-pa nakikilalang biktima na pawang itinakbo sa Our Saviour Hospital, SMC Hospital, Contreras Hospital at iba pang ospital sa Metro Manila.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na sumabog ang tatlong pinto at dalawang palapag na apartment sa A.C. Mercado Street na sakop ng Barangay Wawa Uno na ikinawasak din ng anim na bahay sa kalapit nito.
Sa panayam ng PSN kay Col. Roquero, nakarekober sila ng mga blasting caps at mga bakas ng explosive powder material na posibleng ginagamit sa paggawa ng dinamita.
“Mukhang katulad din ito nang nangyari sa Bacoor,
Sa tala ng pulisya, may anim-katao ang namatay matapos sumabog ang kanilang bahay na ginawang imbakan ng dinamita na ginagamit sa illegal fishing sa Anthurium St. Phase 5, Camella Sorrento Homes sa Barangay Panapaan, Bacoor, Cavite noong Nobyembre 2007.
- Latest
- Trending