7 pugante tinutugis

Pakay ngayon ng malawakang manhunt operations ng mga awtoridad ang pitong preso makaraang tumakas sa kanilang selda kapon ng madaling-araw sa Zamboanga del Norte Provincial Jail.

Kinilala ang mga pugante na sina Gabby Saiman, Gaudencio Ramos, Tony Leanio, Teofe Ka­ting, Roel Sultan, Vanny Abrenica at Maximo Mercado na na­haharap sa kasong robbery, carjacking, statutory rape at acts of lasciviousness.

Base sa imbestigasyon, nagawang makapuga ng nasabing mga bilanggo sa pamamagitan ng paglagare sa rehas na bakal ng kanilang selda. (Joy Cantos)

Show comments