DAR grinanada
Isang sangay ng Department of Agrarian Reform sa
Sinabi ni Bacolod City Police Chief Sr. Supt. Ronilo Quebrar na naganap ang insidente bandang ala-1:50 ng madaling araw sa tanggapan ng DAR sa kahabaan ng San Sebastian St. sa nasabing lungsod.
Ayon sa imbestigasyon, dalawa umanong naka-bonnet na lalaki na sakay ng motorsiklo ang nakitang umaligid sa palibot ng nasabing tanggapan.
Ilang saglit pa ay may kung anong bagay ang mga itong ipinukol na nadiskubreng
Bunga nito ay nawasak ang jalousy ng bintana habang marami ring mga tama ng shrapnel ang pintuan ng tanggapan at maging ang dingding ng naturang security outpost.
Ayon pa kay Quebrar, walang nasugatan sa mga magsasaka ng Hacienda Carmencita ng Pontevedra na binitbit ang kanilang mga anak sa isinasagawang picket matapos ang mga itong magsipag-vigil sa harapan sa nasabing tanggapan.
Nabatid na hinihiling ng mga magsasaka na makakuha ng Certificate of land ownership award sa DAR.
Sa kasalukuyan, sinisilip ng mga awtoridad ang anggulo ng alitan sa lupa ang motibo ng pagpapasabog kaugnay ng sigalot ng may-ari ng Hacienda Carmencita at ng mga magsasaka. Ang nasabing hacienda ay nasa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program ng pamahalaan.
Naghihinala naman si Provincial Agrarian Reform Officer Gng. Teresita Depenoso na ang mga suspek ay posibleng mga kritiko ng DAR program ng gobyerno kung saan 32 beneficiaries ang pinalad na makakuha ng titulo ng mga lupang kanilang ipamamahagi.
Ayon kay Depenoso, nakatanggap sila ng mga report na ilang grupong tutol sa CARP ang umupa ng ilang tao na manggigipit at magbabanta sa mga tauhan ng DAR.
Ang nabanggit na hacienda ay pag-aari ng pamilya ni dating Ambassador Roberto Benedicto.
- Latest
- Trending