Bagong gulo sa Mindanao pinangambahang mamuo
Ayon kay Commander Datu Dima Ambil, regional chair ng MNLF Sebangan Revolutionary State Committee na nakabase sa Matalam, North Cotabato, marami na sa mga na-recruit nina Johnny Sugagel ng first district ng North Cotabato at Gen. Kautin ‘Teng’ Usman ng Davao del Sur ang umasa sa mga ipinangako ng dalawa.
Pangako kasi nina Sugagel at Usman sa mga recruit na makakapasok sila sa Armed Forces of the
Nangungulekta umano sila ng mula P250 hanggang P1,000 sa kanilang mga recruit na karamihan ay mga lumad at Kristiyano para masama sa Regional Special Force ng MNLF.
Nilinaw ni Ambil na itinigil nila pansamantala ang recruitment sa kanilang organisasyon kaya todo tanggi siya na ang ginagawa nina Sugagel at Usman ay may basbas mula sa kanilang grupo. (Malu Cadelina Manar)
- Latest
- Trending