^

Probinsiya

Suspek pa sa pagpatay sa Brodkaster nasakote

-

Pinaniniwalaang naresolba na  ng mga awtoridad ang mis­teryosong pagpatay kay DXGO Aksyon  radio broadcaster na si Ferdie “Batman” Lintuan noong bisperas ng Pasko ng nakalipas na taon maka­raang masakote ang kasamahan nitong blocktimer sa operasyon sa Davao City kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Nilo Larroza na kasamahan mismo ni Lintuan sa nasabing radio station na nakabase sa lungsod.

Batay sa report, si Larroza ay dinakip ng pinagsanib na elemento ng pulisya at ng National Bureau of Investigation sa Brgy. Lanang, Davao City dakong alas-10 ng umaga .

Nasamsam mula kay Lar­roza ang isang cal. 45 pistol na posibleng siya umanong gina­mit na ‘murder weapon’ at  ang isang Mitsubishi Pajero sports utility vehicle.

Inaresto ang suspect mata­pos ikanta ng kasamahang nitong suspek na nauna nang nadakip ng mga awtoridad na siya umanong bumaril sa biktima.

Ayon sa mga awtoridad, posible umanong nagkahid­waan ang biktima at ang sus­pek hinggil sa numbers game at iba pang pagkaka­perahan gamit ang istasyon ng DXGO radio na humantong sa pagka­kapaslang kay Lintuan.

Noong Disyembre 28, 2007 ay nasakote ng mga awtoridad ang isang suspek na si Oliver Baldonado Antoc na itinuro ng dalawang testigo kung saan ikinanta nito sa mga awtoridad na si Larroza umano ang bu­maril sa biktima. (Joy Cantos)

DAVAO CITY

JOY CANTOS

LARROZA

LINTUAN

MITSUBISHI PAJERO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NILO LARROZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with