Lumagda sa isang memorandum of agreement ang pamunuan ng Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture at ng Univet Nutrition and Animal Healtcare Company sa Quezon City para mapigilan ang paglaganap ng mga sakit sa hayupan tulad ng foot and mouth disease.
Kaakibat ng kasunduan ang inilaang P1 Milyon pondo ng Unahco para magamit ng BAI sa proyektong Oplan alis disease sa ibat ibang bahagi ng bansa partikular ang mga lugar na kilala na nagkaroon ng sakit na FMD ang mga babuyan tulad ng Bulacan, Nueva Ecija, Pampangga at Tarlac sa region 3 at Batangas sa Region 4.
Sa isang pulong-balitan, sinabi ni Dr Davinio Catbagan, BAI head, na ang naturang hakbang ay patuloy na ipatutupad ng ahensiya at ng Unahco sa pakikipag tulungan ng mga lokal na pamahalaan para higit na mapangalagaan ang mga hayupan at poultry sa bansa. (Angie dela Cruz)