CAMP CRAME – Dalawampung rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa tropa ng militar sa magkakahiwalay na bayan sa lalawigan ng Quezon, kamakalawa.
Sa ulat ni Army Spokesman Lt. Col Ernesto Torres Jr., unang sumuko sa tropa ng Charlie Company ng Army’s 76th Infantry Battalion sina Crisostomo Gonzaga, alyas Ka Toming; Teodoro Palo, alyas Ka Doring; Benjamin Batani, alyas Ka Jamin; Tiotimo Julita, alyas Ka Tomi; Marilou Acelo, alyas Ka Marlou; Joselito Anyayahan, alyas Lito; at si Romeo Javier, alyas Ka Mico.
Ang pagsuko ng pito ay ikinanta ni Jimmy Anyayahan na isang rebel returnee na sumuko noong Enero 17.
Sumunod na sumuko ang 13-pang rebelde na sina Sancho Arellano alyas Ka Bert; Felicisimo Ores, alyas Ka Rey; pawang kaanib ng Ganap na Samahang Magsasaka (GSM) na may code name na Ana haw; Persiberano Luna, alyas Ka Persing; at si Randy Villasanta, alyas Ka Randy na kapwa kaanib naman ng Guerilla Platoon (GP) at si Lucio Camacho, alyas Ka Lucio ng Brgy. Sto. Niño sa bayan ng Ilaya, Lopez.
Kabilang din sa sumuko ay sina Danilo Roldan, alyas Ka Zaldy; Estelita Argamosa, alyas Ka Jojo; Berson Mison, alyas Ka Mandy; Rodolfo Su milang, alyas ka Boy; Glorendo Acosta, alyas Ka Guindo; at Victor Merca, alyas Victor na pawang miyembro ng Kongreso ng Magbubukid Para sa Repormang Agraryo (KOMPRA); Bernardo Garay, alyas Ka Totoy; at Ernesto Argamosa.
Kasalukuyang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ang mga nagsisukong rebelde. (Joy Cantos at Tony Sandoval)