^

Probinsiya

Grupong pumatay sa aide ni Binay at pamangkin ni Bunye nasakote

-

CAMP CRAME –  Arestado ng mga intelligence operatives ng pulisya ang walong notor­yus na ‘hired killers’ kabilang ang dalawang babae na ex-New People’s Army breakaway group ay Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade sa isinagawang ope­ras­yon sa  safehouse ng grupo sa bayan ng San Pedro, Laguna may ilang araw na ang nakalipas.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, kabilang sa mga suspek na nadakma ay sina  Brandy Nilo Gerona, alyas Ka Andy; Lloyd Perez, alyas Lloyd; Rommel Baying, alyas Mike; Elly Macariola alyas Alex; Frangilico Gerona, alyas Gil­beys/James; Jona­than Cartu­jano, alyas Joey; Jenny Canlas, alyas Melo; at si Siena Quiam­bao,  alyas Sienna.

Ayon sa ulat, sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Cezar D. Mangrobang ng Imus Regional Trial Court Branch 22, Cavite, nilusob ng mga operatiba ng Southern Police District at Special Action Force (SAF) ang pinagkuku­taan ng mga suspek sa Block 3 Lot 8, Pacita Complex ng na­banggit na bayan noong Sa­bado ng umaga

Nasamsam sa pag-iingat  ng mga suspek ang dalawang cal. 9mm submachine; isang cal. 25; tatlong granada at iba’t ibang uri ng mga bala.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na ginawang gun-for-hire, extortionist ni Brandy Gerona ang nasabing grupo na ayon sa ulat ay  pinopondohan at pino­ protektahan ng ilang persona­lidad na pansamantalang hindi isiniwalat ang mga pangalan.

Inamin ng sindikato na aabot ng 40-personalidad ang kanilang nalikida na base sa narekober na folder ay mga pulis, opisyal ng barangay, pre­sidente  ng mga homeowners association at ang pinsan at pamangkin ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na sina Virgilio Bunye at Obet Bun­ye maging ang  security aide ni Makati City Mayor Jejomar Binay na si Lito Glean na pinas­ lang noong nakaraang taon.

 Samantala, patuloy na­man ang hot pursuit operations sa dalawa pang nakalalayang galamay ng sindikato at si­nam­pahan na rin ng kasong krimi­nal ang mga nasakoteng sus­pek.

Nabatid pa na  may mga kli­ yente ring mga pulitiko ang sindikato subalit tumanggi namang isiwalat ng opisyal ng pulisya habang puspusan ang pangangalap ng mga awtori­dad ng ebidensya laban sa mga ito. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALYAS

BRANDY GERONA

BRANDY NILO GERONA

CAMP CRAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with