Apo ng ex-councilor pinatay
CAMP MIGUEL MALVAR, Batangas – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang apo ng ex-city councilor sa Batangas matapos matagpuang tadtad ng saksak ang bangkay nito sa ilalim ng tulay sa
Sa naantalang ulat na nakarating sa opisina ni P/Senior Supt. David Quimio, Batangas police director, kinilala ang biktima na si Vicente Julian “VJ” Pastor, 16, 3rd year high school student sa University of Batangas.
Si JV ay anak ng prominenteng pamilya ng mag-asawang Julian “Nitoy” Pastor at Everlita Nea ng
Ayon sa ulat, natagpuan ang bangkay ni JV sa ibaba ng hagdanan ng Calumpang Bridge sa bahagi ng Barangay Pallocan West bandang alas-6:30 ng umaga noong Enero 17.
Napag-alamang nag-swimming pa ang biktima sa Alpa Hotel bandang alas-8 ng gabi noong kapiyestahan ng Batangas City, Miyerkules ng Enero 16 kasama ang nakababatang kapatid, tiyuhin at drayber ng pamilya.
Makalipas ang kalahating oras, nagdesisyong umuwi ang mag-utol pero naisipan ni JV na bumaba sa plaza upang bumili ng balot at tuluyang nagpaiwan ito matapos sabihin sa kapatid na sasakay na lamang ito ng dyipni papauwi.
Sa panayam naman ng PSN sa ama ng bata, hindi na nakauwi si JV noong gabi ng Enero16 hanggang sa magpa-police blotter sila kinabukasan sa Batangas police station at nagkataon namang may natanggap na ulat ang pulis na may natagpuan bangkay sa tulay ng Calumpang.
“Bandang alas-6 ng umaga nang tawagan ko pa ang cell phone ng anak ko subalit, iba ang sumagot na nagpakilalang “Ruel” at biglang naputol ang linya,” pahayag ng matandang Pastor.
May kumalat na ulat na ang mga suspek sa pagpatay kay JV ay padrino ng ilang pulis na nakatalaga sa Camp Miguel Malvar sa Batangas. (Arnell Ozaeta)
- Latest
- Trending