^

Probinsiya

Life hatol sa 4 na pulis

-

Batangas City – Apat na pulis ang hinatulan ng parusang habambuhay na pagkakabilanggo dahil sa pagpatay sa isang preso sa Calaca, Batangas.

Sa 53-pahinang desis­yon na ipinalabas ni Judge Cecille Austria ng Regional Trial Court Branch 2 ng Balayan, Batangas, na­sentensyahan  sina SPO1 Rolando Formento, SPO2 Lorente Pornillosa, SPO4 Bonifacio Villanueva at PO3 Reynaldo Malimban na pawang dating naka­talaga sa Calaca Police Station.

Ayon kay Austria, ang apat na pulis ay sangkot sa pagpatay sa bilang­gong si Raul Vidal ma­tapos umano itong bug­bugin habang nasa loob ng kanyang selda sa Calaca Police Station noong March 3, 1998.

Subalit bago pa maila­bas ang sentensya sa apat na akusado, namatay na si Pornillosa sa sakit na cancer samantalang nag­pa­kamatay naman umano sa loob ng selda si Villa­nueva.

Nakatakas naman si Malimban sa kanyang ku­lungan matapos lagariin nito ang kandado at rehas ng kanyang selda at lumu­sot sa bintana ng comfort room noong Miyerkules ng madaling-araw.

Tanging si Formento ang binasahan ng sen­tensya habang ginawaran naman ni Judge Austria ang pamilya ni Vidal ng P2-million para sa danyos mula sa mga suspek. (Arnell  Ozaeta)

BATANGAS

BONIFACIO VILLANUEVA

CALACA POLICE STATION

JUDGE CECILLE AUSTRIA

LORENTE PORNILLOSA

RAUL VIDAL

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

REYNALDO MALIMBAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with