Playboy binoga ng bayaw ng gf

CANDELARIA, QUE-ZON – Natapos ang pagi­ging palikero ng isang 29 anyos na lalaki nang pag­babarilin hanggang  ma­patay ng bayaw ng kan­yang nobya habang pa­palabas sa isang hotel sa Barangay Poblacion ang magkasintahan kama­ka­ilan.

Kinilala sa naantalang ulat ng pulisya ang biktima na si Celso Panganiban ng Barangay Masin Norte samantalang tugis na ng mga awtoridad ang suspek na si Teodoro Pana ng San Antonio, Quezon.

Papalabas ng RJC hotel ang biktima at ang nob­ya niyang itinago sa panga­lang Aileen nang salubu­ngin  sila ng suspek at dala­wang kasama nito bago siya pinagbabaril sa ibat-ibang parte ng kata­wan.

May hinala ang pulisya na nagsumbong ang tunay na mister ni Aileen sa sus­pek (kapatid ng babae) kaya inabangan sila nito sa labas ng hotel. (Tony San­doval)

Show comments